Isang babae ang nakatawag pansin online nang ma-trap siya sa loob ng isang thrift store sa Isetann Recto, Manila. Ibinahagi ni Mich Keyshia Guevarra sa Facebook noong Marso 27, 2025, ang insidente kung saan siya ay nasa fitting room nang biglang mawalan ng ilaw. Akala niya ay brownout lang, pero nang marinig niya ang pinto na isinara, napansin niyang naka-lock siya sa loob.
“Akala ko brownout lang, pero maya-maya, narinig ko na isinara na talaga ‘yung pinto,” kwento ni Guevarra. “Na-alarma si beki kasi naka-panty lang ako! Nagmadali akong isuot ‘yung short ko, nag-flashlight ako, tapos na-realize ko — sarado na talaga at wala [ng] tao,” dagdag pa niya.
Naging nervous si Guevarra at tinangkang kumatok sa mga bintana ng store para maghanap ng makakakita sa kanya. Naggalaw din siya ng mga sapatos na nakaharang sa pinto para makita siya ng ibang tao. Ngunit hindi siya agad natulungan hangang may nakita siyang staff mula sa ibang store.
“Nagulat pa siya bakit may tao sa loob. Sinabihan niya agad ‘yung guard, ang talak pa, naiuwi daw ng may-ari ‘yung susi!” kwento ni Guevarra. "So na-stress pa si bakla kasi may pasok pa ako bukas, baka hindi ako makauwi, tapos nilalaro pa ako ng mga guard na doon na daw ako matulog,” dagdag pa niya.
Nahanap din ang may-ari ng thrift store sa isang ibang branch, at nang makalabas si Guevarra, nagkagulo na sa labas dahil sa dami ng mga guard at ang may-ari. "Paglabas ko, mga anim na guard nandun, pati may ari sa kabilang branch, super nakakahiya," sabi niya.
Ang insidente ay nag-viral online at nagbigay ng aliw kay Guevarra nang mag-post siya ng meme tungkol sa karanasan niya.