Isang 12-taong-gulang na batang lalaki ang nasa ospital matapos mabagsakan ng puno habang pauwi mula sa school noong Biyernes.
Ayon sa Boscawen Police Department, naglalakad si Kyle Murray pauwi mula sa school bus stop nang tumama ang malakas na hangin sa isang spruce tree na nagpatumba rito, at bumagsak mismo sa kanya.
Dinala si Kyle sa isang lokal na ospital at kalaunan ay inilipat sa Boston Children’s Hospital dahil sa malalang kalagayan. Dito siya inilagay sa isang medically-induced coma para sa kanyang paggaling.
Sa tulong ni Hannah Littlefield, isang GoFundMe ang isinagawa para kay Kyle at sa kanyang pamilya, kung saan inilahad na si Kyle ay may dalawang maliliit na brain bleeds, pamamaga ng utak, punit na spleen, nabaling mga ribs, nasirang pelvis, at naputol na mga ugat sa pelvis. Mayroon din siyang bleeding sa bladder, nabaling sakong, at fluid sa kanyang tiyan.
Sa kabila ng mga pagsubok, sinabi ng ina ni Kyle, Danielle Murray, na nagsagawa ng operasyon kay Kyle sa pelvis noong Lunes. Kinabukasan, tinanggal na ang breathing tube ni Kyle. "Tumatanggap siya ng mga yakap at halik mula sa akin. Hindi ko kayang ipaliwanag kung gaano kasaya ang feeling na ‘yun," sabi ni Danielle.