Isang billionaire sa Oklahoma, USA, ang nagdesisyon na ilibing ang isang luxury car bilang pag-alala sa ika-50 anibersaryo ng kanilang estado noong 1957. Para sa kanya, ito ay isang espesyal na paraan upang mag-iwan ng legacy sa mga susunod na henerasyon. Binili niya ang isang Plymouth car, isang mahal at modernong sasakyan noong panahong iyon, at inilibing ito sa ilalim ng lupa.
Para masiguro na magtatagal ang kotse, inilagay ito sa isang concrete container at tinakpan ng maraming blanket. Ilang local memorabilia at mga bote ng gasolina at langis ang ipinasok sa loob bilang preparasyon kung sakaling magbago ang source ng energy sa hinaharap. Mayroon ding itinayong monumento sa ibabaw ng lupa para madaling matunton ang kinaroroonan ng kotse.
Pagkatapos ng 50 taon, noong 2007, binuksan ang lugar at hinanap ang kotse bilang bahagi ng centennial celebration. Laking gulat ng lahat nang matuklasan nilang ang kotse ay puno ng tubig at ang interior ay nababalutan ng putik at kalawang. Tanging ang ilang bahagi ng fender at door ang may natirang shine, habang ang mga mementos sa loob ay halos nasira na.
Sa kabila ng lahat ng proteksyon, hindi pa rin nakaligtas ang kotse mula sa epekto ng paglipas ng panahon. Sa huli, ipinadala ang kotse sa isang museum para ipakita sa mga tao kung paano ang oras ay hindi pwedeng pigilan, at paano ang mga bagay ay naaapektohan ng kalikasan.