Nakakalungkot na balita! Isang 9-anyos na batang babae ang namatay ilang oras matapos sumailalim sa general anesthesia para sa isang dental procedure sa Dreamtime Dentistry sa Vista.
Ayon sa ulat ng San Diego Police Department, matapos ang procedure, dinala ang bata sa recovery room bago ito pinayagang umuwi. Habang nasa bahay, hindi na siya nagising at natagpuan na walang malay ng kanyang mga magulang, na agad tumawag ng 911.
Dinala siya sa Rady Children’s Hospital, ngunit idineklara siyang patay. Ayon kay Dr. Ryan Watkins, ang dentist ng klinika, ang bata ay nasa stable condition noon nang i-discharge at sinunod ang lahat ng post-anesthesia protocols. Patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa mga awtoridad para malaman ang buong detalye ng insidente.
Ayon naman kay Dr. Michael Davis, isang eksperto sa dental malpractice, mas delikado ang general anesthesia sa mga bata dahil mas makitid ang kanilang airway kumpara sa matatanda. Hinihiling ng mga eksperto na huwag munang magbigay ng haka-haka at hintayin ang opisyal na impormasyon habang patuloy ang imbestigasyon.