Usap-usapan ngayon sa sneaker community ang paparating na Air Jordan 4 "Sierra Red." Ayon sa zSneakerHeadz at Sneaker Files, posibleng lumabas ito sa Spring 2026.
Wala pang kumpirmasyon mula sa Jordan Brand, pero ipinakita na ang isang mock-up ng design. Ang bagong colorway ay inaasahang magtatampok ng "Pale Ivory," "Sierra Red," at "Tough Red."
Ang Air Jordan 4 "Sierra Red" ay ilalabas sa women’s sizing sa Nike SNKRS at piling retailers, na may presyong $215 USD. Antabayanan ang opisyal na anunsyo para sa unang tingin sa bagong design!