WASHINGTON – Isang babysitter sa Kansas, USA, ang nagulat nang totoong tao pala ang tinutukoy ng bata bilang “halimaw” sa ilalim ng kama.
Ayon sa Barton County Sheriff’s Office, nang patulugin ng babysitter ang bata noong Lunes ng gabi (Marso 24), sinabi nitong may "halimaw" sa ilalim ng kama. Sinubukan ng babysitter na ipakita na walang dapat ikatakot, pero sa halip, natagpuan niya ang isang lalaking nagtatago doon.
Ang 27-anyos na lalaki, na dati raw nakatira sa bahay pero may restraining order, agad na tumakas. Sa pagtakas, isang bata ang nadaganan habang nagkakagulo ang babysitter at ang lalaki.