Nagreklamo si Ice Seguerra laban sa NAIA security matapos mawala ang dalawang gamit sa bagahe ng kanyang asawang si Liza Diño-Seguerra.
Sa kanyang Facebook post noong Marso 26, sinabi niyang nawalan ng gamit si Liza matapos dumating mula United States sakay ng Philippine Airlines (PAL).
Dahil dito, nagkomento ang PAL at sinabing tutulong sila sa imbestigasyon.