
Isang 28-anyos na babae na mahilig sa energy drinks at kape para sa workout ang pumanaw dahil sa atake sa puso.
Ayon sa Daily Mail, si Katie Donnell, isang guro mula sa Florida, ay umiinom ng caffeine supplements, tatlong energy drinks, at kape araw-araw.
Ayon sa ina niyang si Lori Barranon, wala siyang sakit ngunit maaaring nasobrahan sa energy drinks. Natagpuan sa kanyang sasakyan ang maraming lata ng energy drinks.
Bigla siyang nawalan ng malay, inakala ng mga kaibigan na stroke, pero heart attack pala. Hindi siya agad na-intubate, nagkaroon ng brain damage, at hindi na nagising matapos ilagay sa coma.
Ayon sa Mayo Clinic, 400mg ng caffeine ang ligtas sa isang araw, pero ang isang energy drink ay maaaring may 200mg.