
Bumisita sina VP Sara Duterte at Honeylet Avanceña sa ICC detention facility sa The Hague nitong Huwebes, isang araw bago ang ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Gayunman, hindi nila ito nakita o nakausap.
Dumating si VP Sara bandang 3 PM Netherlands time (10 PM sa Pilipinas) at kinuha ang ilang gamit ng kanyang ama. Matapos siyang umalis, dumating si Avanceña, naging emosyonal sa harap ng mga tagasuporta, at nagpasalamat.
Ayon sa kanyang abogado, kasama siya sa listahan ng mga bisita sa Biyernes, pero wala pang kasiguraduhan kung makakapasok siya.