Nagulat ang maraming tao nang biglang i-ban ng Papua New Guinea ang Facebook simula Lunes. Ayon sa gobyerno, ito ay isang "test" para limitahan ang fake news, hate speech, at pornography.
Pero maraming opposition MPs at kritiko ang tumutol, sinasabing labag ito sa karapatang pantao.
Ayon kay Police Minister Peter Tsiamalili Jr, hindi raw ito para pigilan ang free speech, kundi para protektahan ang mga tao mula sa masasamang content.
Sa Papua New Guinea, ang Facebook ang pinakasikat na social media platform na ginagamit ng 1.3 million users, kabilang ang mga maliliit na negosyo na umaasa dito para sa benta.
Bukod dito, malaking tulong ang social media sa public discussion, lalo na habang bumababa ang press freedom sa bansa.
Ayon kay Neville Choi, presidente ng media council, ang ban na ito ay parang pagsupil sa kalayaan. Mas nakakaalarma raw na dalawang government agencies na dapat may alam tungkol dito ay walang ideya sa plano ng gobyerno.
Nagbabala naman si opposition MP Allan Bird, na sinabing “delikado na ang sitwasyon” at wala nang kapangyarihan ang mga tao para pigilan ito.
Ang ban na ito ay kasabay ng bagong counter-terrorism law, na nagbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno para bantayan at limitahan ang online communication.
Dagdag pa ni Bird, ito raw ay “draconian law” na nagtatanggal ng kalayaan at ang Facebook ban ay “unang hakbang pa lang”.
Kahit naka-ban na ang Facebook, marami pa rin ang nakakagamit nito gamit ang VPNs.
Ayon kay John Pora, chairman ng Small and Medium Enterprises Corporation, mas apektado raw ang mga negosyante na umaasa sa Facebook para sa kita.
Papua New Guinea ay matagal nang nagbabanta na i-ban ang Facebook. Noong 2018, binlock na ito sa loob ng isang buwan para alisin ang fake profiles. Noong 2023, naglunsad naman sila ng parliamentary inquiry tungkol sa fake news at social media sa bansa.