Isang holdaper sa Talisay, Cebu ang nag-sorry muna bago nagtutok ng baril sa isang taxi driver at kinuha ang P1,500 cash na kita nito. Ayon sa ulat ng TV5’s Frontline Pilipinas, isang dashcam video ang nakahuli sa insidente sa Brgy. Tabunok noong March 25. Makikita sa video na kinakabahan ang suspect, nagkunwaring may kausap sa phone, at pagkatapos ay itinutok ang baril sabay sabing, “Holdup ‘to, boss. Sorry, boss, pera lang ang akin kung ‘di mo gusto mamatay.”
Matapos ang krimen, agad bumaba ng taxi ang suspect at tumakas dala ang pera. Hinahabol na siya ngayon ng mga awtoridad. Samantala, hindi pa makapagtrabaho ang taxi driver dahil sa trauma. “Natakot talaga ako. ‘Di biro-biro ‘yung baril na tinutok sa’kin. May mga anak pa ako, maliit pa sila,” sabi niya sa panayam.