Sa CCTV footage mula Barangay San Nicolas, Cebu City, isang lalaki ang natumba habang naglalakad sa C. Padilla Street noong Feb. 5 (Miyerkules). Pinaghinalaan siyang snatcher matapos siyang habulin ng mga tao.
Ayon sa report, ang lalaki ay tumakbo sa takot matapos siyang madisgrasya sa isang motorcycle na kanyang hiniram nang walang paalam. Inakala ng may-ari at ng mga bystanders na ninakaw niya ang motor, kaya nila ito hinabol.
Sa huli, hindi na nag-file ng kaso ang may-ari laban sa lalaki dahil magkaibigan pala sila.