Mukhang si Nick Frost na ang susunod na Rubeus Hagrid sa upcoming HBO adaptation ng Harry Potter series!
Ayon sa mga source ng Variety, malapit na raw ang deal ng British actor na kilala sa partnership niya kay Edgar Wright at Simon Pegg. Wala pang official confirmation mula sa HBO o kay Frost mismo, pero sinabi ng HBO, “Dahil sikat ang series, siguradong maraming rumors at speculation.”
Dagdag pa ng HBO, “Habang nasa pre-production kami, iko-confirm lang namin ang details kapag final na ang mga deals,”—parehong statement na binigay nila nang lumabas ang chismis na si John Lithgow ang magiging bagong Albus Dumbledore (na confirmed na ngayon).
Samantala, may cryptic post si Frost sa Instagram, na may caption: “What a bloody lovely day! It’s happening, it’s actually happening. Stay cool.”
Si Hagrid ay isang gentle half-giant na naging gamekeeper at Care of Magical Creatures professor sa Hogwarts. Siya rin ang nagdala kay Harry Potter noong baby pa ito matapos mamatay ang mga magulang niya, at siya ang unang nagsabi kay Harry na isa siyang wizard sa kanyang 11th birthday.