Ang Final Destination Bloodlines ay ang ika-anim na pelikula sa sikat na horror franchise, sa direksyon nina Adam Stein at Zach Lipovsky. Tulad ng mga naunang pelikula, susundan nito ang isang grupo ng mga tao na pilit iniiwasan ang kamatayan. Sa pagkakataong ito, isang babae ang nakaligtas mula sa isang malaking sakuna, ngunit nalaman niyang hindi mo matatakasan si Death. Dahil dito, pati ang kanyang pamilya ay nahaharap sa mas mapanganib na kapalaran.
Ayon sa official synopsis, si Stefanie, isang estudyante sa kolehiyo, ay binabagabag ng bangungot kaya bumalik siya sa kanilang tahanan upang hanapin ang nag-iisang taong makakatulong sa kanya. Gusto niyang iligtas ang pamilya niya mula sa isang madugong kapalaran, ngunit natuklasan nila na si Death ay hindi sumusuko. Sa trailer, maririnig ang mga apo ng nakaligtas na babae na nagsasabi, “Death is coming for us because we were never supposed to exist.”