
Gone too soon.
Pumanaw na ang influencer at TikTok star na si Joshua Blackledge sa edad na 16.
Ayon sa isang obituary mula sa Noe-Brooks Funeral Home, binawian siya ng buhay noong Marso 18 sa kanilang tahanan. Isang celebration of life ang ginanap noong Marso 23 sa Camp Albemarle, Newport.
Hindi naibigay ang dahilan ng kanyang pagpanaw.
Nagbigay ng tribute ang kanyang girlfriend na si Emmie Gillikin, na kasama niya sa ilang TikTok videos.
"Miss na miss ko na ang sweet boy na 'to. Hindi ko inakala na darating ang araw na wala ka," isinulat niya sa isang TikTok post kung saan ibinahagi niya ang kanilang mga alaala.
"Tinuruan ako ni Josh kung ano ang tunay na pagmamahal kahit bata pa ako. Lagi niya akong napapangiti kahit naiinis ako sa kanya. Hanggang ngayon, parang hindi pa rin totoo."
May mahigit isang milyong followers si Blackledge sa TikTok at sumikat siya sa lip-syncing at car content.
Ayon sa obituary, isa siyang junior student sa West Carteret High School at aktibo sa wrestling at track..