Si rapper Omar Baliw (Omar Manzano) ay nagsampa ng copyright infringement case laban kay Apollo Quiboloy matapos gamitin ang kanyang kantang “K&B” sa rally noong Pebrero 11 nang walang pahintulot.
Ayon sa kanyang abogadong si Jeanne Castillo Anarna, publicly ginamit, in-edit, at nireproduce ang kanta ni Omar nang walang permiso, kaya may parusang pagkakakulong ang kaso. Kasama rin sa reklamo si SMNI President Marlon Rosete.
Reaksyon ni Omar
Nadismaya siya nang malaman ang paggamit ng kanyang kanta sa kampanya.
“Bad trip talaga,” sabi niya.
Noong Pebrero, nag-post siya sa Facebook:
“‘Di pa nakaupo, nagnakaw na agad. Awit.”
Ano ang Copyright Infringement?
Ayon sa Republic Act 8293, ang paglabag sa copyright ay may parusang 1-3 taon pagkakakulong at ₱50K – ₱150K multa.