Ipinagbawal ng korte sa South Korea ang members ng NewJeans na gumawa ng independent projects matapos pumabor sa kanilang label na ADOR. Ayon sa desisyon ng Seoul Central District Court, legal pa rin ang kontrata ng grupo sa ADOR, kaya’t hindi sila maaaring gumawa ng anumang commercial activity nang walang pahintulot ng label.
Noong Nobyembre 2024, inanunsyo ng NewJeans ang kanilang pag-alis sa ADOR at nagpakilala ng bagong pangalan – NJZ. Plano rin nilang maglabas ng bagong kanta ngayong buwan, ngunit maaaring maapektuhan ito dahil sa ruling ng korte. Sa isang Instagram post, sinabi ng grupo na nirerespeto nila ang desisyon pero hindi nito isinama ang pagkawala ng tiwala nila sa ADOR.
Ang isyu ay nagsimula dahil sa sigalot sa pagitan ng mga execs ng ADOR at ng kanilang dating creative director. Gusto ng members na makatrabaho ang director na ito, ngunit pinabulaanan ng ADOR ang mga akusasyon ng mistreatment at iginiit na valid pa rin ang kontrata.
Ang ADOR ay subsidiary ng HYBE, ang powerhouse label na may hawak rin sa BTS. Dahil sa matinding kontrobersyang ito, maraming headlines ang lumabas tungkol sa NewJeans, hindi lang sa South Korea kundi sa buong mundo.