
Isang katawan ng bagong silang na sanggol ang natagpuan sa isang bag sa labas ng All Saints Church sa Notting Hill, London.
Ayon sa Metropolitan Police, nakatanggap sila ng tawag bandang 12:46 PM noong Martes tungkol sa insidente sa Powis Gardens. Agad na rumesponde ang London Ambulance Service, ngunit idineklarang patay na ang sanggol sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para mahanap ang ina ng sanggol. Hindi pa tiyak ang kasarian o eksaktong edad ng sanggol.

Ayon kay Supt. Owen Renowden, ito ay isang malungkot at nakakagulat na pangyayari. Sinabi rin niyang prayoridad ng mga pulis na hanapin ang ina dahil maaaring kakapanganak lang niya at nangangailangan siya ng agarang medikal na tulong at suporta.
Kung ikaw ang ina ng sanggol, hinihikayat kang lumapit sa pulis o medical professionals. "Alam naming natatakot ka, pero gusto ka naming matulungan," dagdag ni Renowden.