
Apat na tao, kabilang ang mga lolo’t lola ni Emile Soleil, ang inaresto kaugnay ng pagkawala at pagkamatay ng 2-taong-gulang na bata sa French Alps noong Hulyo 2023. Kasama rin sa mga inaresto ang dalawang anak ng mag-asawa, na ngayon ay pinaghihinalaan ng voluntary homicide at concealment of a corpse, ayon sa mga prosecutors. Sinabi ng abogado ng mga lolo’t lola, Isabelle Colombani, na hindi pa siya makapagbibigay ng pahayag dahil "kakalabas lang ng balita."
Noong nakaraang taon, may natagpuang buto at damit ng bata ang isang hiker malapit sa bahay ng kanyang mga lolo’t lola—ang lugar kung saan siya unang nawala. Ngunit ayon sa mga prosecutor, walang ebidensyang makapagsasabi kung paano namatay si Emile. Sinabi nilang maaaring aksidente itong pagkahulog, homicide, o murder.
Ang pag-aresto ay muling nagdala ng pansin sa kaso matapos ang ilang buwang katahimikan. Si Emile ay huling nakita noong Hulyo 8, 2023, naglalakad mag-isa sa maliit na bayan ng Haut-Vernet. Matapos i-report ng kanyang lola ang pagkawala niya, isang malawakang paghahanap ang isinagawa, kung saan lumahok ang pulis, militar, at search dogs.
Noong Pebrero ngayong taon, ginanap ang libing ni Emile. Matapos nito, sinabi ng kanyang lolo’t lola na hindi na nila kayang magpatuloy nang walang kasagutan. Ayon kay Jean-Luc Blachon, prosecutor ng Aix-en-Provence, ang mga pag-aresto noong Martes ay resulta ng malalimang imbestigasyon sa mga nakaraang buwan. Iniimbestigahan din ngayon ang ilang lugar sa paligid at isang sasakyan ng pamilya.