
Nag-spring vibes ang Bonifacio Global City (BGC), Taguig dahil sa namumulaklak na Balayong o Palawan Cherry Blossom! Ang puno, na may pink at white flowers, ay makikita sa Terra 28th at Track 30th Streets. Sa post ng BGC noong March 24, 2025, sinabi nilang, “BGC is blooming!”, kaya marami ang na-excite at nagplano nang bumisita.
Daan-daang libo na ang views, at marami sa netizens ang nagkaayaan para makita ito nang personal. May mga proud kasi parang Japan vibes, habang ang iba naman ay nagulat na may ganito pala sa BGC. Sa isang short video, ipinakita ang ganda ng balayong na bumagay sa modernong gusali ng siyudad.