
Exciting news para sa mga Filipino fans ni Song Joong Ki! Sa May 24, 2025, dadayo siya sa Manila para sa kanyang first-ever fan meet na "IAM Song Joong Ki: Live in Manila" sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City. Inanunsyo ito ng IAM Worldwide noong March 25, 2025, isang araw matapos siyang ipakilala bilang bagong ambassador ng brand.
Sobrang excited ang IAM Worldwide na dalhin si Song Joong Ki sa Philippines bilang pasasalamat sa solid support ng mga fans. Ayon sa organizers, "Filipino fans have shown incredible passion for his work, kaya gusto naming i-celebrate ang bond na ito. Expect surprises, laughter, at unforgettable memories!"