
Sa Amerika, isang nurse na si Meggan Randall Sundwall ang inaresto matapos niyang patayin ang matalik niyang kaibigan na si Kacee Lyn Terry para sa ₱50M insurance money.
Si Kacee ay inakalang may cancer sa loob ng 5 taon, pero nang siya ay pumanaw noong August 2024, lumabas sa autopsy na wala siyang cancer! Sa halip, nakita sa katawan niya ang sobrang insulin at sedatives, na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Ayon sa imbestigasyon, si Meggan, na isang nurse, ang nagplano ng lahat. Pinaniwala niya si Kacee na may cancer, binigyan ng mga hindi kailangang gamot, at inimpluwensyahan siyang sumuko sa buhay. Matapos mamatay si Kacee, agad niyang hinanap ang insurance policy at binura ang 900+ messages sa cellphone nito para pagtakpan ang kanyang kasalanan.