May ilang German tourists na umakyat sa Castillo Pyramid sa Mexico, kahit bawal ito. Nakita sila ng locals at nagalit dahil sa tingin nila, binastos ng mga turista ang ancient site at ang mga diyos. Galit na galit ang mga tao at hinabol pa sila—may nagsabi pang dapat sila i-sacrifice!
Nahuli rin sila ng security. Strictly bawal talagang umakyat sa pyramid dahil delikado at posibleng masira ang site. Simula 2008, pinagbawal na ito matapos may malaglag. Pero marami pa ring pasaway, may ilan pang sumayaw sa taas!