
LEGO walang limits! Ngayon, makikipag-collab sila sa Pokémon para sa LEGO Pokémon series sa 2026! Sa unang 14-seconds na teaser, nakita na ang Pikachu tail, kaya todo-excite na ang fans worldwide.
Epic Team-Up ng LEGO at Pokémon
Noong March 18, inanunsyo ng LEGO at The Pokémon Company International ang kanilang long-term partnership. Ang goal? Gawing LEGO bricks ang favorite Pokémon ng fans!
Ayon kay Pokémon Chief Product Officer Gaku Susai, parehong may creativity at fun vibes ang LEGO at Pokémon. This collab will bring trainers a new and exciting way to experience Pokémon!
First Teaser: Pikachu Tail!
Sa unang teaser, nakita lang ang Pikachu tail na may LEGO logo—pero grabe na ang hype! Sabi ng fans, “Dream come true!” at “Auto-buy ito!”. Pokémon mismo nag-reply: “Trainers, ready na ba kayo?”