Nag-alok ang gobyerno ng P2 million reward para sa makapagtuturo o makahuhuli sa mga suspek sa ambush sa San Rafael, Bulacan na ikinamatay ng tatlong biktima.
Ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo ng PNP Region 3, may mga leads na sa kaso at may posibilidad na may kaugnayan sa politika ang insidente.
Ano ang Nangyari?
Noong Biyernes, tinambangan ang isang SUV at pinagbabaril ang tatlong sakay nito. Dead-on-the-spot ang driver at front passenger, habang ang babaeng nasa likod ay nadala pa sa ospital pero kalaunan ay namatay din.
Ongoing Investigation
Bumuo na ng special investigation team ang PNP para sa mas malalim na imbestigasyon.