
Magandang balita para sa minimum wage earners at kasambahays sa Bicol Region at Zamboanga Peninsula—aprubado na ang taas sahod!
Wage Increase sa Bicol
Ayon sa DOLE, tataas ang minimum wage sa Bicol mula P395 papuntang P435 sa dalawang tranches—April 5 at December 1, 2025. 100,414 workers ang makikinabang dito.
Ang mga kasambahays naman ay may P1,000 dagdag sahod kaya magiging P6,000 na ang kanilang monthly salary simula April 5.
Wage Increase sa Zamboanga Peninsula
Sa Zamboanga Peninsula, tataas ng P900 ang sahod ng kasambahays simula April 3.
Chartered cities at first-class municipalities: P5,500/month
Iba pang municipalities: P5,000/month
May 18,984 kasambahays ang makikinabang dito.