
Posibleng makauwi na sa susunod na linggo ang 187 scam hub victims sa Myanmar, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ongoing Rescue Operations
Sa Senate hearing noong Martes, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na inaayos na ang repatriation process. Plano ng DFA na tulungan silang tumawid sa Friendship Bridge papuntang Mae Sot, Thailand.
Mula doon, susunduin sila ng Philippine Embassy sa Thailand at posibleng paliparin mula Mae Sot o dalhin sa Bangkok para makauwi.
Marami Pang Kailangang Iligtas
Bukod sa 187 victims, may 50-62 pang Pilipino sa Myanmar na kailangan pang sagipin. Maraming umaalis sa Pilipinas gamit ang backdoor exit sa Southern part ng bansa, dahil mahirap dumaan sa airport checkpoints.
Babala ng DFA sa Mga Pilipino
Nagpaalala ang DFA sa mga Pilipino na siguraduhin ang legitimacy ng job offers bago tanggapin. Pwede nilang i-check ito sa Department of Migrant Workers (DMW).