Ang live-action na bersyon ng klasikong fairy tale na Snow White ng Disney ay nanguna sa North American box office kahit maraming negative reviews. Kumita ito ng tinatayang $87.3m globally sa opening weekend, kung saan halos kalahati ay galing sa North America. Pero, ito ay below expectations para sa film na nagkakahalaga ng mahigit $270m.
Ang remake ng Snow White ay naging kontrobersyal bago pa man ito mapanood sa sinehan. Kabilang dito ang isyu sa casting ni Rachel Zegler na of Colombian descent bilang bida. May mga debate din tungkol sa comments na pro-Palestinian ni Zegler at pro-Israel naman ni Israeli actress Gal Gadot na gumanap bilang Evil Queen. Mayroon ding diskusyon kung dapat ba talaga magkaroon ng dwarfs sa pelikula, live o CGI.
Sa mainland China, hindi sumikat ang film; umani lamang ito ng less than $1m sa unang tatlong araw. Sinabi ni entertainment consultant Patrick Frater na posibleng naapektuhan ng multiple controversies ang appeal ng pelikula, at dagdag pa ang humina nitong epekto sa Asia simula nang magsimula ang pandemic.