
Si Omar Baliw, isang hiphop artist at songwriter, ay nagsampa ng formal complaint laban kay Apollo Quiboloy ng KOJC sa Pasig Hall of Justice ngayong Marso 24, 2025.
Sinabi ni Omar na ginamit ng kampo ni Quiboloy ang kanyang kantang 'K&B' sa isang rally nang walang pahintulot. Kasama niya ang kanyang abogado sa pagsampa ng demanda.
Ayon sa kanya, nagpadala muna sila ng demand letter pero walang naging aksyon kaya nagdesisyon na silang magdemanda. Nagkaroon din ng virtual meeting sa pagitan ng dalawang kampo pero wala siyang natanggap na tugon mula sa senatorial aspirant.
Ipinost din ni Omar sa social media ang insidente at sinabi,
“Gusto ko lang itama 'yung mga hindi tama,”
upang ipaalam sa publiko ang di-awtorisadong paggamit ng kanyang kanta.