
Sa Tarlac, nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit 16 na SIM-based text blasters na ginagamit sa pag-text blast at scam. Isang 28-anyos na suspek ang naaresto ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group sa Burgos Street, Barangay Poblacion Norte, Paniqui town. Ang mga device na ito, o tinatawag ding IMSI catchers, ay nagpapanggap na lehitimong cell tower para makuha ang impormasyon ng mga mobile phone gaya ng IMSI numbers, pati na rin ang pag-track at interception ng text messages, tawag, at data.