
Pumanaw na ang American boxing legend na si GEORGE FOREMAN noong Biyernes, March 21, 2025. Siya ay 76. Kinumpirma ito ng pamilya sa Instagram.
Ngayong Sabado, March 22, lumabas sa feed ni George ang larawan ng buong pamilya na may caption na inilarawan siya bilang mabuting asawa, mapagmahal na ama at lolo, at maka-Diyos.

Ayon sa caption:
"Nasaktan kami. Malungkot naming inihahayag ang pagpanaw ng aming mahal na George Edward Foreman Sr. na tahimik na pumanaw noong March 21, 2025, kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Isang relihiyosong tao, tapat na asawa, mapagmahal na ama at lolo, namuhay siya nang may matatag na pananampalataya at kababaang-loob.
Bilang isang taong tumutulong sa iba, Olympian, at dalawang beses na heavyweight champion ng mundo, siya ay iginagalang ng marami—isang mabuting tao na disiplinado at may paninindigan.
Salamat sa lahat ng pagmamahal at dasal. Hinihiling namin ang privacy habang inaalala ang natatanging buhay ng taong aming minahal."
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anunsyo tungkol sa dahilan ng biglaang pagkamatay.