Isang babae ang kinasuhan matapos niyang ilunod ang kanyang miniature schnauzer sa airport bathroom. Sinabi ng mga pulis na tinanggihan siya sa pagdala ng aso sa flight dahil may problema sa papeles ng hayop.
Ayon sa report, si Alison Lawrence mula Kenner, Louisiana, ay pinagbintangan ng aggravated animal abuse noong Marso 19 sa Lake County, Florida. Makikita sa surveillance video na pumasok siya sa banyo kasama ang kanyang aso at lumabas matapos ang 20 minuto na wala na ito. Napuna rin ng janitor na may natirang tubig at dog food sa sahig at nang bumalik, nakita na ang aso sa trash bin kasama ang mga gamit nito.
Natuklasan ng mga imbestigador ang may-ari ng aso gamit ang microchip. Ayon sa necropsy, natukoy na nalunod ang miniature schnauzer. Naaresto na si Lawrence, ngunit nakalipad na siya papuntang Colombia at Ecuador. Pinalaya siya sa $5,000 na bail.