Matapos ang 19 taon, tuluyan nang umalis si Frank Ferrer bilang drummer ng Guns N’ Roses.
Sa kanilang social media, inanunsyo ng hard rock band ang kanyang pag-alis at pinuri ang kanyang kontribusyon sa grupo.
"Nagpapasalamat ang banda kay Frank sa kanyang pagkakaibigan, talento, at matibay na presensya sa loob ng halos dalawang dekada. Nais namin siyang tagumpay sa susunod niyang musikal na paglalakbay," ayon sa kanilang opisyal na pahayag.
Si Ferrer ay unang sumali sa banda noong Hunyo 2006 upang palitan si Bryan "Brain" Mantia. Mula noon, naging matibay siyang bahagi ng rhythm section, lalo na sa mga malalaking tour ng banda.
Kabilang dito ang sikat na Not in This Lifetime... reunion tour mula 2016 hanggang 2019, kung saan muling nagsama sina Axl Rose, Slash, at Duff McKagan. Huli siyang tumugtog kasama ang banda noong Nobyembre 5, 2023, sa Mexico.
Ang Guns N’ Roses ay nabuo noong 1985 matapos magsanib ang mga banda L.A. Guns at Hollywood Rose. Sa kasalukuyan, kasama sa lineup ang mga founding members na sina Axl Rose, Duff McKagan, at Slash, pati na rin sina Dizzy Reed, Melissa Reese, at Richard Fortus.