Patay ang isang 31-anyos na magsasaka matapos tagain sa ulo ng kanyang 83-anyos na kapitbahay sa Barangay Villa Espina, Lopez, Quezon noong Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima bilang si Ronnel Llamado Sipocot, habang ang suspek ay isang matandang lalaki na kilala bilang "Gregorio".
Ayon sa ulat, bandang 8:30 AM, abala ang biktima sa pag-aayos ng dahon ng buli na kanyang ibebenta nang bigla siyang lapitan ng suspek mula sa likod at walang sabi-sabing tinaga sa batok gamit ang isang 20-pulgadang gulok.
Dahil dito, halos maputol ang ulo ng biktima at agad itong binawian ng buhay sa mismong lugar.
Agad namang naaresto ng mga pulis ng Lopez Municipal Police Station ang suspek, at nakuha sa kanya ang ginamit na gulok.