
Matapos ang pagdinig sa Senado kaugnay ng posibleng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan ang kanyang anak, si Vice President Sara Duterte, na mag-move on na mula sa isyu at ituon ang pansin sa pagpapauwi sa kanyang ama.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni VP Duterte na mas mahalagang pag-usapan ngayon kung paano matutulungan ang dating pangulo na makabalik sa Pilipinas, sa halip na magpatuloy ang kontrobersiya.
Samantala, patuloy pa ring sinusubaybayan ang sitwasyon sa The Hague, The Netherlands, kung saan patuloy ang mga legal na proseso. Ilang tagasuporta ni Duterte ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa posibleng kahihinatnan ng kaso.