Ayon sa ulat ng The Information, ang Apple TV+ ay nalulugi ng higit $1 bilyon kada taon. Binawasan ng kumpanya ang gastos sa content production mula $5 bilyon pababa sa $4.5 bilyon taun-taon. Sa kasalukuyan, may 45 milyong subscribers ito, ngunit hindi pa rin kumikita nang malaki.
Bagama’t hindi nagbigay ng pahayag ang Apple, iniulat na ang kanilang Services division – kasama ang Apple TV+, Apple Music, at App Store – ay kumita ng $26.3 bilyon sa huling bahagi ng 2024, tumaas ng 14% kumpara sa nakaraang taon.
Sa kabila ng malaking pagkalugi, nananatiling pinakamalaking kita ng Apple ang iPhone sales. Kumita ang kumpanya ng $391 bilyon sa kabuuang kita at $93.71 milyon sa net profit noong Setyembre 2024.