Isang 27-anyos na ama ang nasawi matapos iligtas ang kanyang 3-taong gulang na anak sa isang matinding aksidente sa kalsada. Nasagasaan sila ng isang rumaragasang dump truck habang sakay ng kanilang motorsiklo sa Sitio Tapuco, Barangay Pit-os, Cebu City, bandang 10 p.m. noong Marso 20.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang ama at anak ay inararo mula sa likuran ng isang dump truck na nag-counterflow para mag-overtake. Dahil sa lakas ng impact, sila ay tumilapon mula sa motorsiklo. Sa kabila ng panganib, nagawa ng ama na yakapin ang kanyang anak at itulak ito papunta sa ilalim ng isang nakaparadang truck upang maiwasan ang mas malalang pinsala.
Sa kasamaang palad, ang ama ay bumagsak sa sementadong kalsada at tinamaan sa ulo ng unahang gulong ng truck, na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Samantala, ang bata ay nagtamo lamang ng bukol sa ulo at agad na nadala sa ospital ng kanyang ina.
Ayon sa mga kamag-anak, hindi nakasuot ng helmet ang mag-ama dahil malapit lang ang kanilang pupuntahan. Ang ama ay patungo sa Barangay Pit-os upang sunduin ang kanyang live-in partner mula sa trabaho nang mangyari ang trahedya.