
LOS ANGELES – Ang Hollywood filmmaker na si Carl Rinsch ay kinasuhan ng wire fraud at money laundering matapos umano niyang gamitin ang $11 milyon mula sa Netflix para sa personal na gastusin sa halip na tapusin ang isang sci-fi series.
Si Rinsch, na kilala sa pelikulang "47 Ronin", ay inaresto matapos isapubliko ang kaso sa isang federal court sa New York ngayong linggo. Ayon sa mga tagausig, ginamit niya ang pera para bumili ng Ferrari, limang Rolls-Royce, luxury clothing, at cryptocurrency sa halip na iproduce ang "White Horse", na kalaunan ay pinalitan ng pangalan sa "Conquest".
Ang proyekto, na pinondohan ng $44 milyon noong 2018-2019, ay dapat magpakita ng kwento tungkol sa isang scientist na lumikha ng powerful clones na itinapon sa isang walled city sa Brazil.
Sa kabila ng naunang pondo, humingi si Rinsch ng karagdagang $11 milyon, na agad niyang inilipat sa iba’t ibang account para sa personal na gastusin, kabilang ang mga dodgy stock investments at mga bayad sa abogado para idemanda ang Netflix at hawakan ang kanyang divorce.