Pwede na ngayong bumili, mag-hold, at mag-transact ng USDC stablecoin sa pamamagitan ng GCash.
Ayon sa GCash, ang USDC ay isang uri ng cryptocurrency na may 1:1 value sa US dollars at suportado ng cash at cash-equivalent assets para sa mas stable na halaga.
Para makakuha ng USDC, pumunta lang sa GCrypto sa GCash app, piliin ang 'USDC', at kumpletuhin ang conversion gamit ang GCash balance mo.
Ipinunto rin ng GCash na ang mga USDC reserves ay hawak ng mga regulated financial institutions at may third-party monthly audits para sa mas malinaw na transparency.