Isang 39-anyos na nursing aide ang nasawi matapos masagasaan ng isang tank truck sa South Road Properties (SRP) sa Brgy. Mambaling, Cebu City noong Marso 19 ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Robeliz Oyao, isang nursing aide sa isang ospital sa Cebu City. Siya ay sakay sa likod ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang live-in partner na si Glenn Dela Rosa Ochea, 45-anyos.
Habang pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Agus Proper, Lapu-Lapu City, biglang sumingit sa kanan ng kanilang motorsiklo ang truck na minamaneho ni Damelito Loro Casas, 50-anyos, mula sa Brgy. Bongoyan, Borbon. Tumama ang truck sa kaliwang bahagi ng motorsiklo, dahilan para tumilapon ang dalawa.
Sa kasawiang-palad, nasagasaan si Oyao ng kanang gulong sa likuran ng truck, na agad niyang ikinamatay.