Nahuli sa isang buy-bust operation sa Brgy. Mantalongon, Dalaguete, Cebu noong Marso 19 ang isang broker ng gulay na may bitbit umanong shabu na nagkakahalaga ng P544,000.
Kinilala ang suspek na si alias “Juan,” 39 taong gulang at residente ng naturang barangay.
Ayon sa PDEA-7, dati nang nahuli si Juan noong 2021 dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga ngunit nakalaya matapos makakuha ng probation noong sumunod na taon.