
Target ni Alexandra "Alex" Eala, 2022 US Open Junior champion, na makapagtala ng maagang tagumpay sa laban kontra Katie Volynets, world No. 73, sa round of 128 ng Miami Open. Gaganapin ang laban sa Huwebes ng madaling araw (oras sa Maynila) sa Hard Rock Stadium.
Si Eala, isang Globe ambassador at kasalukuyang No. 140 sa mundo, ay muling magpapakitang-gilas sa prestihiyosong torneo na tampok ang mga nangungunang kababaihan sa larangan ng tennis.
Nais din ng three-time Junior Grand Slam champion na makabawi matapos ang kanyang maagang pagkatalo sa round of 16 sa W75 Trnava sa Slovakia laban kay Valentina Ryser ng Switzerland (6-4, 2-6, 2-6).
Isa sa mga pinakamalaking panalo ni Eala ay laban kay Lesia Tsurenko ng Ukraine, na world No. 41 noong 2024.