Nahuli at nahatulan na ang dalawang lalaki dahil sa pagnanakaw ng isang 18-carat gold na inidoro mula sa Blenheim Palace sa UK.
Ang gintong inidoro, tinawag na "America," ay bahagi ng isang art exhibit ng artistang si Maurizio Cattelan at itinampok sa Blenheim Palace, lugar kung saan isinilang si Winston Churchill.
Si Michael Jones, 39, ay nahatulan ng burglary, habang si Frederick Doe, 36, ay nahatulan ng conspiracy to transfer criminal property.
Ang pagnanakaw ay naganap noong Setyembre 14, 2019 at tumagal lamang ng limang minuto. Ginamit ng mga suspek ang mga sledgehammer na iniwan pa nila sa pinangyarihan ng krimen.