
Nakumpiska ng mga sundalo at pulis ang anim na baril at mga improvised explosive devices (IEDs) sa isang anti-terror operation sa Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Marso 17.
Ayon kay Major Gen. Donald Gumiran ng 6th Infantry Division, nadiskubre ang mga armas sa isang taguan sa Barangay Kapinpilan kung saan namataan ang 17 terorista na may kaugnayan sa grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Ayon sa mga lider ng Moro sa lugar, sumuko nang mapayapa ang mga suspek nang malaman nilang napapalibutan na sila ng mga sundalo at pulis.