Natagpuan ang mga putol-putol na bahagi ng katawan ng isang hindi pa nakikilalang tao sa Marilaque Highway, bahagi ng Barangay Laurel, Santa Maria, Laguna noong Martes.
Ayon sa ulat ng Santa Maria Police, bandang 12:30 ng tanghali nang i-report ng isang miyembro ng crime watch force ang insidente.
Isang rider ang unang nakadiskubre sa isang putol na paa na itinapon sa gilid ng highway matapos mapansin ang masangsang na amoy sa lugar.
Pagdating ng mga pulis, natagpuan pa nila ang isa pang bahagi ng katawan na pinaghihinalaang binti, nasa 100 metro ang layo mula sa unang bahagi.
Patuloy pa ang paghahanap sa iba pang posibleng nawawalang bahagi ng katawan.