Nagsanib-pwersa ang adidas at Phil Lipschultz ng UnheardOf para sa limited-edition na "Piggy Runners" — isang pink-themed na bersyon ng Adistar Cushion 3.
Balot ito ng premium suede at mesh, na may Pork Chop pig decal sa dila bilang simbolo ng individuality. Mayroon ding customizable accessories para sa personal touch.
Bilang bahagi ng kampanya sa self-acceptance, magpapalit ng disenyo ng mga Cincinnati city buses at magkakaroon ng interactive events sa American Signage Museum.