Opisyal nang inanunsyo nina Takashi Murakami at CASETiFY ang kanilang bagong koleksyon na pinamagatang "TAKASHI MURAKAMI x CASETiFY: MR. DOB".
Ilalabas ito sa buong mundo sa Abril 11, bilang pagpupugay sa legacy ng sikat na artist at sa kanyang impluwensya sa contemporary art at pop culture.
Tampok sa koleksyon ang karakter na MR. DOB, na kilalang simbolo ng mga likha ni Murakami.
Ayon kay Wes Ng, CEO at Co-founder ng CASETiFY,
"Nang una kong makilala si Takashi-san, nag-usap kami ng matagal tungkol sa kung paano gawing bahagi ng digital life ng mga tao ang sining. Sinundan ito ng ilang buwang pagtutulungan upang paghaluin ang iconic art sa mga pang-araw-araw na tech accessories. Ang koleksyon na ito ang naging bunga ng aming pinagsamang ideya."