Isang solo bettor ang maswerteng nanalo ng P100.8 milyon sa Lotto 6/42 jackpot, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang maswerteng numero na nabunot noong Martes, March 18 ay 19-2-21-13-16-22.
Ang jackpot prize na P100,890,109.20 ay may kaltas na 20% tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion Law.
Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot na P165,890,270.80. Ang winning combination ay 21-52-23-11-10-5.
Wala rin nanalo sa Grand Lotto 6/55 na may premyong P135,222,477.60 gamit ang kombinasyong 6-12-41-34-44-50.