
Pavel Durov, founder ng Telegram, ay pinayagang makauwi sa Dubai matapos siyang maaresto sa France noong Agosto 2024. Inakusahan siyang nabigong kontrolin nang maayos ang mga ilegal na aktibidad sa app, kabilang na ang drug trafficking, child sexual abuse content, at panloloko. Mariin namang itinanggi ni Durov ang mga paratang na ito.
Matapos manatili sa France ng ilang buwan, pinayagan si Durov na umalis matapos pansamantalang suspindihin ang kanyang mga obligasyon sa ilalim ng judicial supervision mula Marso 15 hanggang Abril 7. Wala pang detalyeng ibinigay tungkol sa kondisyon ng kanyang paglaya.
Mula sa kanyang tahanan sa Dubai, pinasalamatan ni Durov ang mga hukom sa France at pinuri rin niya ang kanyang mga abogado para sa kanilang "relentless efforts" sa pagpapakita na ang Telegram ay sumunod at lumampas pa sa mga legal na obligasyon sa moderation at paglaban sa krimen.