Sa pagpapakilala ni President Bongbong Marcos ng kanyang 12 kandidato sa Senado, binatikos niya ang 9 na kandidato ni Rody Duterte. Ayon kay Marcos, tila mga tuta ng China Communist Party (CCP) ang mga ito dahil tahimik lang sa panggigipit ng CCP sa West Philippine Sea.
Nag-react si Sen. Bato Dela Rosa, na tumatakbo muli sa eleksyon. Nagalit siya sa paratang na pro-China siya at sinabi pang handa siyang magbigay ng baril at bala sa sinumang nagpaparatang sa kanya. Naghamon pa siya na magsama raw sila sa pakikipaglaban sa mga kaaway sa WPS.
Ngunit ayon sa mga kritiko ni Duterte at Dela Rosa, madaling magpanggap na galit sa CCP.
Noong Halalan 2016, ipinangako ni Duterte sa mga mangingisda sa Pangasinan at Zambales na pupunta siya sa Spratlys sakay ng jetski para itanim ang bandila ng Pilipinas at sabihan ang China na, “Sa amin ito!”
Pero sa halip na batikusin ang China, pinayagan pa ni Duterte ang China Maritime Militia na mangisda sa WPS nang walang limitasyon sa oras, lugar, at dami ng huli.
Makalipas ang limang taon, nang tanungin siya ng mga mangingisda kung ano na ang nangyari sa pangako niya, sabi ni Duterte, “Biro lang ‘yun!” Dagdag pa niya, hindi raw siya marunong lumangoy, at tinawag na "tanga" ang naniwala sa kanya.
Si Raul Lambino, isa sa mga kandidato, ay dating pinuno ng Cagayan Economic Zone Authority. Plano niyang ibigay ang Fuga Island sa isang Chinese company para gawing pasugalan at daungan ng mga barko ng China, ngunit AFP ang pumigil dito.